May 21, 2024

Arwind Santos sa Beermen; ‘Kailangang bigay todo kami rito sa PBA bubble’

Dahil hindi makapaglaro para sa San Miguel Beermen sina 6-time MVP June Mar Fajardo at Terrence Romeo, nagkasya na lang muna sila sa pagtsi- cheer sa team.

Kaya naman, sinabi ni veteran forward Arwind Santos na dapat mag step ang lahat. Gayundin ang mag-contribute sa team. Yan ay kung gusto ng Beermen na manatili pa ng matagal sa PBA bubble.

Mayroong shoulder injury si Romero. May iniinda naman si Fajardo. Kaya, mahirap ngayon sa Beermen na idepensa ang PH Cup title.

Kailangan aniyang ipanalo nila ang natitira pang laro. Sapol noong 2015, pinagharina ng Beermen ang PH Cup.

 “Basta lumalaban kami, manalo man o matalo, dapat naming pakita na dito lumalaban kami kahit ano man ang manyari,”ani Arwind.

  “Yes malaking bagay wala si June Mar and now si Terrence, pero laban lang,” aniya.

Masuwerte kaming mga players sa nandito kasi sa SMB – isang team, isang kumpanya na talagang alaga ang bawat players.”

Kaya dapat lang na suklian namin sa pagpapakita na bigay todo pa din kami at hindi basta basta na tapakan o daan-daanan,” turan ng binansagang “Amazing Spiderman”.

Kahapon ay nagwagi ang Beermen sa TerreFirma DYIP, 105-98. Ito ang second win nila sa four games sa bubble.