May 19, 2024

Anderson Silva, hindi umubra sa kanyang farewell bout kay Hall

ABU DHABI – Nabigo sa kanyang farewell fight si MMA icon Anderson Silva. Hindi nakaporma si Silva kay Uriah Hall nang daigin siya nito.

Binarag ni Uriah si Silva via technical knockout sa kanilang UFC bout. Nangyari ito sa ikaapat na round ng 5 round middleweight title bout.

Impresibo ang nagging performance ng 45-anyos na Brazilian jujitsu fighter sa loob ng 3-rounds.Subalit, pagsapit ng fourth round, naisalya siya ni Hall sa canvas. Dahilan upang masira ang kanyang diskarte.

Sinubukan pa ng dating middleweight na salagin ang banat ni Hall. Ngunit, inawat ito ng referee, may 1:24 sa regulation.

Itinigil na nito ang laban upang mnakaiwas sa matinding pinsala si Silva.Dahil sa pagkatalo, tuluyan nang nagretiro ang iconic MMA fighter.