April 30, 2024

Alyssa Valdez, naispatan bilang NBA virtual fan sa laro ng Lakers-Rockets

Maraming netizens ang nagulat nang makita ang isang pamilyar na mukha sa virtual crowd . Nakita kasi nila ang mukha ni volleybelle Alyssa Valdez.

(Photo from Hammerhead Blake via Instagram

Napabilang kasi ang Creamline Cool Smashers star sa virtual fans na nanonood ng Lakers-Rockets, Game 2 kahapon.

Makikita rin sa screen ang volleyball star na hawak-hawak ang alagang asong si ‘Blake’. Nakangiti rin ito sa camera.

“Siyempre, Pinoy ka, matutuwa ka kasi kilala mo yung nakita mo. Uy, si Alyssa yun ah!”

“Hayun, focus ka na sa screen,” sabi ng isang nerizen na nakakita kay Valdez.

AWIT SI ALYSSA VALDEZ VIRTUAL FAN,” post ng netizen na si yuli@eulliemonson.

Did I just see Alyssa Valdez with her dog as a virtual fannin a Laker game?” react naman ni Ira Lagua.

Uyy si alyssa valdez nasa nba live cam,” react ni @athenaavliva.

Ang virtual fan peg ay innovation ng NBA sapol nang ikasa ang bubble. Ito rin ang paraan upang ma-entertain ang mga fans kahit na sa bahay lang nanonood.

Sa ngayon kasi, hindi pinapayagan ang crown na manood ng live dahil sa COVID-19 pandemic protocols.

Kaugnay dito, proud naman si Alyssa na makasama sa virtual fan kasama ang kanyang pet dog. Naispatan silang dalawa sa first quarter ng laro.