May 21, 2024

ESPN analyst Jalen Rose, kinagigiliwan dahil sa pagsasalita ng “walis-walis”

Walis! Walis!” ito ang bukambibig ni ESPN analyst na si Jalen Rose sa kanyang komentaryo sa NBA games.

Naging kataga na ito ng former Indiana Pacers guard kapag may nanganganib na mabokya sa NBA playoffs. Kagaya na lamang ng nangyari sa Philadelphia 76ers.

Kaya naman, naging markado si Rose sa paghawak ng walis tambo at tingting kapag may ganoon siyang kutob sa playoffs.

Noong Lunes sa ESPN pregame show NBA countdown, makikita si Rose na may hawak na walis tambo. Sa pakiwari niya, mawawalis  daw ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks sa Game 4.

 “Walis! Walis! Eric Spoelstra and the Miami Heat, they’ll get it done,”  ani Rose.

https://www.youtube.com/watch?v=WI_-mFkDVow

Dalawang beses din sumigaw ng “walis” si Rose noong halftime ng Game 4. Sa gayun ay mag-react si Fil-Am cager Jordan Clarkson sa social media.

 “I hear you @JalenRose …. WALIS! hahahaha thats too funny my grandma used to say that,” sagot ni Clarkson .

Nagreply naman si Rose ng Philippine flag emojis. Kaugnay dito, nag-react din sa social media si  ESPN personality Pablo Torre.

“Let the record show that @JalenRose is an honorary member of the ESPN Filipino Cultural Society. Long may his hairline reign,” aniya.