May 15, 2024

JILLIAN WARD, ANG BAGONG MARIAN RIVERA NG GMA-7

ANG pagkakaiba nina Marian Rivera at Jillian Ward sa pagpasok nila sa Kapuso Network ay malaki. Si Jillian, nagsimula bilang child star. Habang si Marian naman ay nagumpisa bilang supporting actress sa GMA-7.

Iba talaga ang pagaalaga ng GMA-7 kay Jillian sapagkat hinuhubog siya ngayon bilang isang mahusay na aktres. At kung matutuloy ang teleseryeng ‘Marimar’ ay tiyak na siya ang napipisil na gaganap dahil taglay niya ang alindog na gaya ng kay Marimar.

No doubt na si Jillian Ward ang magiging bagong Marian Rivera ng younger generation. Kaya masuwerte si Jillian, dahil alagang-alaga siya ng Kapuso Network.