May 4, 2024

Alyssa Bertolano, hindi aalis sa UP Fighting Maroons

(UAAP photo)

Pinabulaanan ni Alyssa Bertolano na aalis siya sa UP Fighting Maroons matapos ang isang season. Ayon sa member ng national women’s volleyball team, wala aniya siyang planong umalis sa team.

Not true po. I have no plans to leave UP. I’m happy here in UP,’ pahayag nito. Nadismaya kasi ang mga fans matapos kumalat ang Facebook post na aalis siya sa team. Nakalagay pa roon na lilipat siya sa University of Santo Tomas.

Naging viral ang naturang post na ikinawindang ng volleyball community. Isa si Bertolano sa key players ng Fighting Maroons nitong last UAAP Season 84. Gayunman, bigo ang squad ni coach Godfrey Okumu na makasampa sa Final 4.

Nalaglag kasi sa second round ang Fighting Maroons matapos ang ilang sunod na talo.