April 30, 2024

Albert Francisco at Dennis Andar, bakbakan sa Manila debut ng Blow-By-Blow

NAKAHANDA na ang Philippine Youth flyweight crown ng Manny Pacquiao Presents: Blow-By-Blow para sa kanilang Manila debut sa Biyernes ng gabi na magaganap sa San Andres Sports Complex sa Maynila.

Magbabakan ang dalawang 112-pounders na sina Albert Francisco at Dennis Andar para sa 10 rounds o mas mababa rito ipakita ang kanilang husay sa boxing para sa karangalan at dangal.

Si Francisco ay kumakatawan sa Johnny Elorde Stable ng Sucat, Parañaque, habang si Endar ay pambato ng MP Boxing Gym sa Davao City.

“It’s great to be back in Manila, the city where I called home during my early days as a young and ambitious professional fighter,” ani Pacquiao.

Wala pang talo ang 24-anyos na si Francisco na may 11-0 record, kung saan pito rito ay knockout.

Bagama’t walang talo, hindi pa rin siya dapag magpakampante sa kanyang katunggali na si Endar.

Si Endar, 23, ay may limang knockout sa kanyang anim na panalo at may isang talo.

Mapapanood ang Blow-By-Blow tuwing Linggo ng alas-8:30 ng gabi sa ONE Sports channel. RON TOLENTINO