May 3, 2024

REGINE VELASQUEZ TUMAMLAY NA ANG SINGING CAREER

TANGGAP na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, na hindi na mainit ang lagay ng kanyang singing career.

Halos dalawang dekada rin naman siyang namayagpag bilang isang singer-recording artist, tanggap niyang may mga bago ng nagsulputan na siyang iniidolo ngayon ng mga GenZ generation.

“May mga naka-line ups naman ho siyang show, aktibo pa rin naman ho siya sa mainstream at mataas pa rin naman ho ang kanyang talent fee.

“Mabuti na lamang at napasok na rin naman niya ang maging product endorser, iyon ho bali ang naging fallback niya.

“Halos lahat nga ng products na si Ms. Kris Aquino ang dating endorser ay nalipat na kay Regine Velasquez. Kaya may ibang pinagkakaabalahan siya ngayon,” malumanay na salaysay ni Miss. Bubuwit na aking source.