May 3, 2024

‘IT’S SHOWTIME’ HANGGANG 6 MONTHS LANG KONTRATA SA GMA 7

SANA hindi na lang lumipat ang ‘It’s Showtime’ sa 12noon slot, kung may taning ito na hanggang 6 months lang ang kanilang ibinigay.

Mapabongga lang ang show, para makaarangkada sa ‘Eat Bulaga’ ang ‘It’s Showtime’ mahirap iyong kondisyon na ibinigay sa grupo ni Meme Vice.

“Pressured na nga ho si Vice Ganda, 6 months ang kontrata nilang pinirmahan pero 3 months ang taning nila para mapataob ang ‘Eat Bulaga.’

“Kung hindi nila magagawang pataubin ang ‘Eat Bulaga’ o pataasin ang ratings ng ‘It’s Showtime,’ tiyak na tsutsugiin sila at hanggang 6 months lang sila sa ere.

“Totoo man o hindi ang mga haka-haka ito, tiyak na alarma lahat ang grupo ng ‘It’s Showtime,’ dahil nalagay silang lahat sa alanganing sitwasyon,” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.