May 3, 2024

MOVIE NI VILMA SANTOS P12-M LANG KINITA SA TAKILYA?

ANG hamon nga namin sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival, ay ilathala o ilabas nila ang kita ng mga pelikulang entry last 2023, para walang hakahakang maglabasan na may pinaburan sila.


Kung P12 milyon lang talaga ang kinita ng movie ni Vilma Santos, nakakahiya ito sa side ng OWWA ni Arnel Ignacio, nagwaldas siya ng milyones hindi naman sulit at hindi naging blockbuster sa mga sinehan.


“Naging pang anim lang ang ang movie ni Vilma, at hindi talaga ito sinuporthan ng madlang pipol. Kahit nag-sponsor pa si Arnel Ignacio ng mga milyones na black screening, hindi pa rin sila naging blockbuster movie sa takilya.
“Dismayado nga ang OWWA, FDCP ni Tirso Cruz III at ang taga-Metro Manila Film Festival dahil sumadsad ang movie nina Christopher de Leon at Vilma Santos sa pagka-flop. Kaya siguro iyong isa, sa sobrang pagka-pabor ay bigla na lang itong nag-resign,” masayang kwento ni Miss. Bubuwit na aking source.