November 5, 2024

MARK BAUTISTA, GAME DAW GUMAWA NG BL MOVIE O SERIES

GAME pala itong si Mark Bautista kahit tungkol sa pakikipag-relasyon ang topic. Kahit sa tanungan portion, talagang palaban ang singer. Kung inyong matatandaan, umamin siya na kabilang siya sa mga bisexual na actor/singer na lumantad. Gumawa pa nga siya ng libro kung saan niya isiniwalat ang buhay niya bilang isang closet queen– mga lalaking bisexual na hindi pa umaamin sa tunay nilang kasarian.

Para sa kanya, may dating ang mga lalaking maganda at maputi ang ngipin. May type nga raw siyang isang sikat na actor, pero ayaw naman niya banggitin ang pangalan nito. Kontento na siyang pagpantasyahan ang actor at gusto nga raw niyang makahalikan ito.

Kung may offer na gagawa siya ng isang pink movie o BL (Boys Love) movie/series, tatanggapin niya ito. At ang pasabog nga niya, sa side niya walang problema. Kung hubaran daw ang eksena, sige lang, at kaya naman daw niya iyon. Basta sa eksena palaban siya doon dahil wala naman na raw siyang tinatago pa sa kanyang pagkatao.