May 18, 2024

SOFIA PABLO, PAANO RAW NAKALUSOT NA MAKASAMA SA ‘PRIMA DONNAS’?

NATANGGAL si Sofia Pablo sa teleseryeng Prima Donnas ng GMA. Ayon sa GMA Entertainment Group, hindi na kabilang ang aktres sa upcoming episodes ng hit series dahil sa ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bawal pagtrabahuhin ang mga below 15 years old.

Pero duda ang mga fans ng menor de edad dahil may mga mas-bata pa sa kanya na nakakapagtrabaho ng hindi kinokontrahan ng DOLE. Gaya ng mga batang cast sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko,’ ang hinala nila may nagpa-talsik sa kanya.