May 18, 2024

ALEX GONZAGA, HINDI INIWAN ANG KAPAMILYA NETWORK

HINDI na tuloy si Alex Gonzaga sa bagong show ng TV5 na ‘Laugh Out Loud.’ Ang kutob ng marami, pinigilan siya ng kapatid niyang si Toni Gonzaga dahil mahalaga sa kanya ang loyalty sa ABS-CBN.

Noon pa raw, sinabi nang hindi lilipat ng basta-basta lamang sina Toni at Alex. May mga offer sa kanila pero hindi nila tinanggap iyon. Dahil kung tutuusin daw ay malaki rin naman ang naitulong ng Channel 2 sa kanilang showbiz career, at dito sila tuluyang sumikat. Pero kahit madali man lumipat, hindi daw nawawalan ng pag-asa ang magkapatid na muling makakabalik ang Kapamilya Network.

Hindi man nila iwan ang ABS-CBN, mapapanood naman sina Alex at Toni sa digital platform. Kaya hindi rin sila mawawalan ng trabaho at kontento na raw sila doon. At kung may lipatan mang mangyari, “not that soon” daw.