Inihayag ng PAGASA na ang Bagyong Saudel ay posibleng lumakas at maging isang ganap na Super Typhoon bago pumasok sa silangang bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, Agosto 24, 2026.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Charmagne Varilla, bagamat inaasahang lalabas din agad sa Martes ang bagyo at hindi direktang tatama sa lupa, hahatakin at papalakasin nito ang Hanging Habagat.
Dahil dito, magdudulot ito ng makabuluhang pagdami ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Batanes, Cagayan Valley, Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Central Luzon, at Southern Tagalog simula ngayong linggo.
Samantala, binabantayan din ng weather bureau ang isa pang tropical depression sa labas ng PAR na posibleng maging Bagyong “Obet”, bukod pa sa dating Bagyong Neneng na patungo na sa South China nang walang naidudulot na direktang pinsala sa bansa.
