PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
ISANG hakbang lang. Tapos ibang mundo na.
Ngayong 06 Hulyo 2026 Lunes ay magbubukas ang pinto sa kauna-unahang solo exhibition ni Ian Cartalaba – HIWAGA NG DIWATA.
Ang gallery ay hindi isang ordinaryo. Dito nagtatagpo ang alamat ng ating mga ninuno – ang sining ng kasalukuyan, at ang imahinasyon na walang hanggan. Matutunghayan ang mga pinturang humihinga. Mga eskulturang bumubulong. Mga instalasyong parang nasa loob ng kagubatan. Lahat ng inspirasyon ng Diwata – ang walang hanggang espiritu ng kalikasan at ng Pilipinong paniniwala.
Ang eksibit ay hanggang 31 Hulyo Biyernes NCCA (National Commission for Culture and the Arts, itinatag 1992) Gallery, NCCA Building, 633 General Luna St., Intramuros, Maynila, 09:00 Umaga hanggang 06:00 Gabi.
Halinang pumasok, makinig, at muling manampalataya. Ang Diwata ay naghihintay na.
