Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang bagong renovated na Pantay-Pantay Court, at Kapalaran Court sa Brgy., San Roque at Brgy., Tangos South at S. Roldan Court, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary. Ang naturang mga pasilidad ay magsisilbing venue para sa sports, community gatherings, at iba't ibang aktibidad. Hiniling din nila sa kanilang mga kababayan mahalin at alagaan ng maayos ang naturang mga pasilidad para mapakinabangan ng husto. (JUVY LUCERO)
PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong school buildings at bagong ayos na mga covered court na layong palakasin ang access sa de-kalidad na edukasyon at magbigay ng mas ligtas, mas functional na mga lugar ng komunidad para sa mga residente.
Bukas na ngayon para sa mga estudyante ang four-story school building na may 12-classroom sa Tangos Elementary School I at four-story building na may walong classroom sa Tanza Elementary School. Ang mga bagong pasilidad na ito ay inaasahang tutulong sa pagtugon sa mga kinakailangan sa silid-aralan at magbigay ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral at guro.
Pinasinayaan din ang bagong ayos na Pantay-Pantay Covered Court at S. Roldan Covered Court sa Barangay Tangos South, at Kapalaran Covered Court sa Barangay San Roque.
Ang mga na-upgrade na pasilidad ay magsisilbing venue para sa sports, community gatherings, at iba’t ibang aktibidad.
BASAHIN: Bagong school building ng Tangos Elementary School I sa Navotas, pinasinayaan
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pamumuhunan sa edukasyon at imprastraktura na direktang makikinabang sa mga Navoteño.
“Education remains one of our top priorities because it empowers our youth and shapes the future of our city. These new school buildings will provide our students with better spaces to learn, grow, and succeed. Likewise, our renovated covered courts will strengthen community engagement and provide residents with safe and functional venues for various activities,” sabi ni Mayor Tiangco.
Samantala, binigyang-diin ni Congressman Toby Tiangco ang kahalagahan ng sustained infrastructure development sa pagsuporta sa pangangailangan ng lumalaking populasyon.
“These projects reflect our continuing efforts to ensure that every Navoteño has access to quality public facilities. By investing in schools and community spaces, we are investing in the future of our children and the overall well-being of our communities. We will strive to continue to bring programs and projects that create lasting benefits for our people,” pahayag ni Cong. Tiangco.
Ang blessing at pagpapasinaya ng mga pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na pahusayin ang pampublikong imprastraktura at pagandahin ang kalidad ng buhay ng mga Navoteño na minarkahan ang ika-19th Cityhood Anniversary ng Navotas. (JUVY LUCERO)
