Mga Kinatawan ng NHCP at KOR sa paglagda ng MOA
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
LUMAGDA para sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP, itinatag 1933) at Knights of Rizal (KOR) International HQ (itinatag 1911) para sa produksyon ng muling pagpapalimbag ng kopya ng iba’t ibang publikasyon tungkol kay Dr. Jose Rizal noong 19 Hunyo 2026, kaalinsabay ng ika-165 anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayani.
Pinangunahan nina NHCP Excecutive Director Carminda R. Arevalo at Supreme Commander ng KOR Dr. Emmanuel Franco Calairo ang paglagda sa kasunduan upang maipalimbag ang mga nobelang Noli Me Tangere (1887), El Filibusterismo (1891), at anotasyong Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga (1890). Si Dr. Calairo ay dating Tagapangulo ng NHCP na nanilbihan mula Marso 2023 hanggang Marso 2024.
BASAHIN: Pangulo ng Alemanya, Bumisita sa Fort Santiago
Makasaysayan ang paglagda sapagkat kasabay nito ang ika-75 anibersaryo ng Charter ng Knights of Rizal sa bisa ng Republic Act No. 646 na nilagdaan noong 1951 at ika-70 anibersaryo ng Republic Act No. 1425 o Batas Rizal noong 1956 na nag-aatas ng pagsasama sa kurikulum ng tersyarya ang buhay, mga ginawa, at mga isinulat ni Jose Rizal.
