Tuloy pa rin sa orihinal na iskedyul sa Hulyo 6, 2026 ang pormal na simula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ngayong Linggo.
Pahayag ni Diokno, inaasahang matatapos na ngayong linggo ang mahabang proseso ng pre-trial o ang pagmamarka ng mga dokumento at ebidensya ng magkabilang panig sa Senado.
Binalewala rin ng mambabatas ang mga ulat na nagkaroon ng matinding tensyon sa unang pre-trial conference noong Hunyo 18, at sinabing normal lamang ang kontrahan ng pananaw sa mga legal na hakbang.
Samantala, ipinasa naman ni Diokno sa kapasyahan ng Senado kung sino ang tatayong presiding officer sa paglilitis, matapos lumabas ang ulat na posibleng piliin ng majority bloc si Sen. Francis Escudero dahil sa legal experience nito, bagamat nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na kasalukuyan pa itong pinagdedesisyunan ng kapulungan.
