SHOOT sa hoyo ang 38-anyos na kelot na wanted sa kaso ng Rape by Sexual Assault nang makorner ng pulisya sa Simultaneous Oplan Bulabog at Galugad operation sa Caloocan City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth hinggil sa kinaroroonan ng akusado na si alyas “Jose”, na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan CPS.
BASAHIN: Ginang na nagnakaw sa barista, huli matapos malaglagan ng shabu sa harap ng pulis
Dahil dito, kaagad ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan Police ang operation laban sa akusado hanggang masukol siya sa Brgy., 178, Camarin ng lungsod.
Maayos naman umanong naisilbi ng mga tauhan ni Col. Goforth sa akusado ang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 131, Caloocan City, para sa kasong Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P120,000.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang Caloocan CPS sa kanilang matagumpay na operation na bahagi aniya ng pinaigting na kampanya ng NPD laban sa mga wanted person at kriminalidad.
