ARESTADO ang dalawang drug suspects matapos mahuli sa aktong nagsusugal at bumabatak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti- Criminality Operation “Oplan Galugad” ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Antonette Townhomes, Barangay Marulas nang maaktuhan nila ang isang lalaki na bumabatak umano ng shabu sa loob ng isang abandonadong bahay dakong alas-2:58 ng hapon.
Kaagad nila itong nilapitan at nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 3 bago inaresto at nakumpiska sa suspek na si alyas “Kevin”, 37, ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.
Nauna rito, naaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 6 ang tatlong lalaki nang maaktuhang abala umano sa paglalaro ng ‘cara y cruz’ sa Lingahan St., Brgy., Malanday dakong alas-8:15 ng gabi.
Nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakuha umano kay alyas “Delio”, 46, construction worker.
