Nagbalik na sa normal ang serbisyo ng kuryente sa lahat ng mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Basyang matapos matagumpay na maibalik ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga apektadong transmission lines.
Ayon sa pamunuan ng NGCP, operational na ang lahat ng pasilidad sa mga rehiyong nakaranas ng pinsala dulot ng bagyo.
Tiniyak din ng ahensya sa publiko na patuloy silang nakatutok sa anumang sama ng panahon na maaaring pumasok sa bansa.
Handa rin ang NGCP na muling i-activate ang kanilang Overall Command Center (OCmC) kung sakaling magkaroon muli ng banta sa mga transmission facilities upang matiyak ang mabilis na pagtugon at tuloy-tuloy na daloy ng kuryente.
