SINABI ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang P748 milyon badyet ng lungsod ay hindi isang “insertion” ng kongreso kundi isang pagpapanumbalik ng mga maling inalis na pondo, na binanggit na wala siyang awtoridad na magsingit ng mga proyekto para sa kanyang distrito.
“I could not have made any insertion because I am not even a member of the Committee on Appropriations,” aniya.
Nilinaw ni Tiangco na ang halagang P748 milyon ay isang koreksyon ng DPWH, hindi isang “insertion.” ng Kongreso.
“P1.410 billion is the restored National Expenditure Program for the lone district of Navotas based on the DPWH formula. This restored NEP represents the minimum assured amount per district,”sabi niya.
Ipinaliwanag niya na ang muling isinumiteng NEP para sa Navotas ni DPWH Secretary Vince Dizon ay umabot lamang sa P362 milyon, na nangangahulugang ang alokasyon ng distrito ay hindi makatarungang nabawasan ng ₱1.048 bilyon.
Aniya, itinaas niya ang isyung ito kay Dizon noong pagbisita niya sa Kongreso, na humantong sa pagtatama sa badyet ng Navotas.
“Out of the ₱1.048 billion difference, only ₱748 million was restored, plus an additional ₱6 million—which, since October 13, I have been saying na hindi ko alam saan nanggaling. Therefore, the total HGAB budget for Navotas is ₱1.116 billion, which is still ₱294 million lower than the ₱1.410 billion minimum budget that Navotas should receive,” ani Tiangco.
“Wala akong tinatago. In fact as early as October 13, 2025, I have been calling for the posting of the budgets of all districts and party-list groups for full transparency, which clearly shows that I am not hiding anything. Kung may tinatago ako hihingin ko ba na i-publish ito,” dagdag niya.
“Ang tagal na nating hinihingi na i-publish sa website ng Kongreso ang budget per congressional district, kasama na ang mga proyektong inendorso ng party-list. Simpleng transparency lang ito. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, kaya dapat malinaw kung sino ang naglalagay ng ano,” giit niya.
“Nakita naman natin sa bicam na may mga issue pagdating sa budget ng DPWH. Mas mahalaga na mailabas ang impormasyon habang bukas pa ang bicam at maaari pang itama o amyendahan ang budget. Publishing the list of projects and their proponents will only help the public know who is adding what and why,” dagdag niya. (JUVY LUCERO)
