Photo Joey Lina/FB
Pinarangalan ng National Police Commission (NAPOLCOM) si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina ng Diamond Legacy Award sa pagdiriwang ng ika-60 taong anibersaryo ng ahensya nitong Setyembre 8, 2026.
Ipinahayag ni Lina ang kanyang malalim na pasasalamat sa NAPOLCOM para sa natanggap na pagkilala, na pinamunuan niya bilang ex-officio chairperson mula noong 2001 hanggang 2004.
Ibinahagi rin ni Lina ang nasabing parangal sa kanyang mga kapwa awardee na naglingkod din bilang dating DILG secretaries at NAPOLCOM chairpersons na sina Rafael M. Alunan III, Mel Senen S. Sarmiento, at Eduardo M. Año.
Pinasalamatan din niya si NAPOLCOM Commissioner Atty. Ralph Calinisan at ang buong pamunuan ng ahensya para sa ipinagkaloob na karangalan.
Pinuri rin ng dating kalihim si National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo F. De Leon sa makabuluhang mensahe nito ukol sa tema ng anibersaryo na “Strengthening Civilian Oversight for Professional Policing and Safer Communities.”
