Nagsimula nang dumating sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City nitong Nobyembre 26 ang daan-daang non-teaching personnel mula sa iba’t bahagi ng bansa para lumahok sa nakatakdang 17th National Congress and Seminar Workshop, isang malakihang pagtitipon na layong palakasin ang ugnayan, kasanayan, at kolektibong tinig ng mga kawani.
Ang naturang aktibidad, na katulad ng taunang kongreso ng DEPED-National Employees’ Union (DepEd-NEU) at iba pang organisasyon, ay pinagsasama ang pormal na kongreso para sa pagbuo ng mga polisiya at desisyon, at mga workshop para sa propesyonal na pag-unlad ng mga lumalahok.
Inaasahan na magtatagal ang ang seminar-workshop sa loob ng tatlong araw, kung saan magkakaroon ng serye ng plenary session, breakout workshops at consulation meetings.
Masigla at organisado ang pagdating ng mga delegado, na karamihan ay nagpaabot ng pasasalamat dahil nagkaroon sila ng espasyong tulad nito upang marinig ang kanilang boses at mapaunlad ang kanilang propesyon.
Tinatayang ilalabas ang mga rekomendasyon at resolusyon mula sa kongreso sa pagtatapos ng programa.
