Suspendido ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at 19 na probinsya ngayong Martes, Agosto 26, ayon sa anunsyo ng pambansang pamahalaan.
Batay sa ulat ng PAGASA, nakakaapekto sa bansa ang isang low pressure area sa silangan ng Visayas habang patuloy ding nagdadala ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat.
Kasama sa mga lugar na walang pasok:
- Metro Manila
- Aurora
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Quezon
- Rizal
- Laguna
- Batangas
- Cavite
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Masbate
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Leyte
- Southern Leyte
Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso, lalo na’t posibleng maglabas ng sariling anunsyo ang iba pang lokal na pamahalaan depende sa lagay ng panahon sa kanilang nasasakupan. BOYET BARBA JR
