Image courtesy of Instagram
Habang nasa Bali si Derek Ramsay para sa wellness training, hindi maitago ng aktor ang pangungulila sa anak na si Liana. Sa isang Zoom call, ibinahagi ni Derek ang sweet moment nila ng anak at nilagyan ng caption na: “Papa will be home soon.”
Nasa Bali si Derek para sumabak sa Kami No Ken, isang programang tumutulong sa “reset and recharge” ng katawan at isip. Kasabay nito, muling lumulutang ang tsismis ng hiwalayan nila ng asawang si Ellen Adarna, pero giit ni veteran showbiz columnist Cristy Fermin, buo pa rin ang relasyon ng dalawa.
“Mema lang ‘yan… si Derek magaling mag-handle ng relasyon at si Ellen sumusunod naman,” ani Fermin sa kanyang programa.
Simula pa Pebrero, may ugong na naghiwalay na ang mag-asawa pero tila pinapasinungalingan ito ng kanilang mga social media posts. Matatandaang ikinasal sina Derek at Ellen sa Bataan noong Nobyembre 11, 2021.
Sa kabila ng intriga, mas inuuna raw ni Derek ang pagiging ama at siguradong excited na ang anak niyang si Liana sa pagbabalik ng kanyang Papa mula Bali. (MADS REYES)
