
ANTIPOLO CITY — Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang pauwi sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Mambugan, Antipolo City, umaga ng Hunyo 12, 2025.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronimar Bagunu y Ramos, 49 anyos, isang liaison officer at residente ng Marpas Street, Brgy. Mambugan. Ayon sa ulat ng Antipolo City Police, bandang 7:50 ng umaga ay binaril si Bagunu habang sakay ng kanyang Honda Click 125 motorcycle sa Marpas Street. Isinugod pa ito sa Metro Antipolo Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa inisyal na imbestigasyon nina PCpl Warrent Sartin at Pat Michael Evidor, lumitaw na bigla na lamang sumulpot ang suspek habang nagmamaneho ang biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng sunod-sunod gamit ang hindi pa natutukoy na kalibre ng baril. Tumakas ang gunman sakay ng itim na motorsiklo at nakasuot ng full-face helmet na may graphic design.
Patuloy ang imbestigasyon ng Antipolo City Police upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin. Hinihimok din nila ang publiko na magbigay ng impormasyon na maaaring magturo sa suspek sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline o sa 911.
More Stories
SMB, Ginebra, at ROS Nag-aagawan ng Pwesto; Converge Nakapila na Lang
₱110-M Halaga ng Delikadong Baterya, Sinira ng DTI
Green Energy Auction-4: Bid Registration Sisimulan sa Hunyo 16