June 14, 2025

LOOK: Meralco pinalakas ang serbisyo sa Maynila

Sa pangunguna ni Manuel V. Pangilinan, pinagana na ng Meralco ang bagong Sampaloc GIS Substation upang tugunan ang lumalaking demand sa kuryente sa lungsod. Ang bagong 115 kV–34.5 kV substation ay may paunang kapasidad na 83 megavolt amperes (MVA) at magsisilbi sa mahahalagang institusyong pang-edukasyon at pangkalusugan tulad ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Dominican School Manila, at University of Santo Tomas.