
CAINTA, RIZAL — Todo hataw si Senator Bong Go nitong Lunes sa kanyang motorcade sa Cainta, Rizal — dala-dala ang kanyang pamatay na plataporma: “Serbisyong Walang Pili” para sa lahat!
Kasama ang buong tropa ng “Duter-Ten” senatorial lineup — sina Atty. Jimmy Bondoc, aktor Phillip Salvador, Cong. Rodante Marcoleta, at kinatawan ni Sen. Bato Dela Rosa, — rumampa sila sa mga kalsada ng Cainta, sinalubong ng palakpakan at sigawan ng mga residente.
Present din ang mga bigating lokal na opisyal gaya nina Gov. Nina Ynares, Vice Gov. Junrey San Juan, Board Member Rossglen Gongora, at muling tumatakbo para alkalde ng Cainta na si former Kit Nieto.
“Ihatid natin ang serbisyo diretso sa tao — sa ospital, sa lansangan, sa barangay! Para sa mahirap, para sa lahat!” — sigaw ni Sen. Go habang nakasakay sa motorcade.
MALASAKIT HANGGANG KALYE
Binigyang diin ni Go ang kanyang adbokasiya sa kalusugan at edukasyon, bitbit ang kanyang pambato: ang Malasakit Centers at Super Health Centers. Sa ilalim ng Republic Act 11463 na siya mismo ang nagtulak, may 167 Malasakit Centers na sa buong bansa, na ayon sa Department of Health ay nakatulong na sa mahigit 17 milyong Pilipino.
“Sa mga may ospital na bayarin, huwag na kayong mahiyang lumapit — may gobyerno kayong maaasahan,” dagdag pa ni Go.
TUNAY NA ANAK NG CALABARZON
Hindi nalilimutan ng mga taga-Rizal ang dating deklarasyon kay Sen. Go bilang “Adopted Son of CALABARZON” noong 2019 dahil sa kanyang walang patid na suporta sa rehiyon.
SERYOSO SA SERBISYO
Kasama rin sa kanyang layunin ang pagbibigay ng trabaho, hanapbuhay, edukasyon, at sports development — isang all-around approach para sa kapakanan ng kabataan at masa.
“Dito sa Rizal, walang maiiwan. Lahat may karapatang makaramdam ng malasakit mula sa gobyerno,” pagtatapos ni Go habang pinapalakpakan ng mga taga-Cainta.
More Stories
Mayor Joel Ruma ng Rizal, Cagayan binaril sa harap ng publiko – patay agad!
PAMBANSANG PARANGAL PARA SA MGA REYNA NG SINING AT KULTURA
No. 8 MOST WANTED SA PASIG, ARESTADO SA ISABELA!”