
Anaheim, California — Balik sa suntukan si Jake Paul! At this time, ang kalaban niya ay hindi basta-basta—anak ng alamat, si Julio Cesar Chavez Jr.!
Itutodo na ang bugbugan sa Hunyo 28 sa Honda Center, sa labanang tinawag ng internet star na:
“Isang sagupaan na magpapakilalang ako ang tunay na may puso ng isang Mexican fighter!”
“KNOCKOUT KO SI JULIO PARA KAY SR.!” – PAUL
Nag-aapoy ang pahayag ni Jake Paul, 28, matapos ianunsyo ang 10-round showdown nila ni Chavez Jr.
“Tinalo ko na si Mike Tyson, ngayon naman, isang dating world champ na ‘di man lang natapos ni Canelo!” yabang ni Paul.
Tinawag pa niya ang sarili na “El Gallo De Dorado” at sinabing siya raw ang tunay na tagapagmana ng tapang ng mga Mexicano sa ring.
CHAVEZ JR: “DI NA AKO ‘YUNG DATING AKO”
Hindi rin nagpahuli sa banat si Chavez Jr., 39, na may record na 54-6-1 (34 KOs).
“Rejuvenated na ako. Mentally, physically, buo na ‘ko. At sa Hunyo, papatunayang ‘di ako basta stepping stone lang!” giit ni Chavez.
CO-MAIN EVENT: ZURDO VS DORTICOS!
Hindi lang Jake at Julio ang highlight! Kasama rin sa co-main event ang banggaan nina:
- Gilberto “Zurdo” Ramirez (47-1, 30 KOs) – WBO & WBA cruiserweight champ
vs. - Yuniel Dorticos (27-2, 25 KOs) – dating Cuban world champ
PAUL, HAKOT KITA!
Sa huling laban ni Jake Paul kontra 58-anyos na si Mike Tyson, humakot ito ng $18.1M sa gate at record-breaking na 65 million views sa Netflix — pinakamaraming nanood sa history ng live sports sa streaming!
📢 TANDAAN! Sa Hunyo 28, DAZN PPV, titira na ang “Problem Child” sa anak ng boxing icon.
Sino ang magwawagi? Si Paul na may lakas ng hype?
O si Chavez Jr. na gustong buhaying muli ang kanyang pangalan?
ABANGAN ANG SUNTUKAN NG TAON!
(Balita ni Ron Tolentino)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN