March 25, 2025

BATO HINDI PAHUHULI SA ICC

NANATILING matatag si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagsasabing hindi siya susuko sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Idineklara ni Dela Rosa, na nagsilbi bilang unang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi siya aalis ng Pilipinas, na ikikonsidera niya bilang kanyang comfort zone.

 “Hypothetical? Hindi ako magpapahuli. Hindi ako sasama. Hindi ako magpapahuli,” giit ng senador.

Bilang PNP chief noong 2016, naging malaki ang papel ni Dela Rosa sa kontrobersiyal na war on drugs, isang kampanya na pinagdudahan dahil sa mga alegasyon ng extrajudicial killings. Bago nito, naging hepe rin siya ng Davao City Police noong si Duterte ay alkalde pa lamang, kung saan tinarget at pinatay umano ang mga drug suspects.

Samantala, kasalukuyang naghihintay si Duterte ng paglilitis sa The Hague, Netherlands, dahil sa crimes against humanity kaugnay sa anti-drug campaign ng kanyang administrasyon.

Kuha ang larawan mula sa South China Morning Post