
Mainit ang naging pagsalubong ng mga batangueño kay Senator Imee Marcos kasama si Cavite Congresswoman Lanie Mercado Revilla, sa pangunguna nina Senator Loren Legarda at aspirant first district of batangas Congressman Leandro Legarda’-Leviste, at ng mga barangay officials sa ginanap na Barangay Kumustahan nitong araw ng Biyernes February 28, 2025.
Kabilang sa kanilang pinuntahan ay ang mga bayan ng Balayan, Lemery, Lian, Nasugbu, Tuy at Taal,
Personal din na inalam ng senador ang mga pangangailangan ng bawat bayan at siniguro nito ang kanyang suporta sa mga taga Batangas, bilang tugon sa mga suliranin at mga pangangailangan ng mga taga batangas ay naglatag ang senador ng iba’t ibang programa para sa mas maunlad na kabuhayan at maayos na serbisyo sa nabanggit na lalawigan.
Nagbigay din ng kanyang pahayag si Senator Imee Marcos tungkol mga naglalabasang resulta ng survey at ang tungkol sa magaganap na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, aniya nagiging brainwashing na ang mga naglalabasang resulta ng survey at hindi umano siya magbabayad para sa mga election survey.
Nanawagan din siya sa kanyang mga kapwa senador at mga kongresista na bilisan na ang gagawing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, para matapos na dahil humahaba narin aniya ang panahon para sa nasabing impeachment proceedings. (ERICHH ABRENICA)
More Stories
‘MURANG BILIHIN’ ITUTULAK NI REP. VILLAR SA SENADO
PANGIL NG BATAS KONTRA ‘FAKE NEWS’ – ALYANSA
Marcos ipinag-utos ang pagtugis sa 22 suspek sa pagkidnap sa bata