March 1, 2025

2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City

Nasawi ang dalawang Russian Nationals na scuba divers makaraang atakehin ng mga pating sa bahagi ng Pulong Bato Verde Island ng Batangas City pasado ala una ng hapon  nitong araw ng Huwebes, February 27, 2025.

Ayon sa Batangas Coast Guard Station, sinabi ni Station Commander Captain Airland Lapitan, nagbago umano ang current flow o agos ng dagat habang nagsasagawa ng scuba diving ang dalawang biktima kasama ang dalawang iba pa nilang mga kababayang turista.

Nagawa pang makaahon ng dalawang nakaligtas kasama ang isang master diver habang napahiwalay sa grupo ang dalawang biktima.

Hindi agad narescue ng PCG ang unang biktima dahil sa dami ng mga pating sa lugar na nakuha din kalaunan at agad dinala sa Saint Patrick Hospital na idineklarang dead on arrival ng rumespondeng doktor at pasado alas singko ng maiahon ang ikalawang biktima na putol ang kanang kamay na pinaniniwalaang inatake ng pating.

Naiuwi na ng Puerto Galera sa Oriental  Mindoro, ang isa sa mga biktima at ang dalawang nakaligtas, habang ang isa pang nasawi ay kasalukuyang nasa nabanggit pang ospital sa Lungsod ng Batangas. (KOI HIPOLITO)