
Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang Thai National nitong Miyerkules ng gabi sa Manila Bay sa Ermita, Maynila.
Kinilala ng Royal Thai Embassy ang biktima na si Chakhon Khumphaitun, 24, tubong Bangkok, Thailand at nanatili sa Royal Thai Embassy na matatagpuan sa No. 107 Rada St., Legaspi Village, Makati City.
Ayon kay PCMS Dennis Suba ng Manila Police District-homicide section, unang natagpuan ang sling bag ng biktima na naglalaman ng kanyang passport at personal na gamit dakong alas-7:00 ng umaga at itinurnover sa Royal Thai Embassy nang matagpuan naman ang bangkay nito ng alas-4:30 ng hapon.
Kinumpirma ng Embassy na sa biktima ang natagpuang passport. Walang kitang sugat o galos sa biktima na naiturnover naman ang gintong kwintas sa mga awtoridad. ARSENIO TAN
More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City