![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-82.png)
Napawalang-sala ng Sandiganbayan si “pork barrel queen” Janet Napoles, dating kinatawan ng Agusan del Sur na si Rodolfo Plaza, at iba pa sa mga kasong graft at malversation kaugnay sa diumano’y pag-abuso sa P27.5 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sa desisyon ng korte, not guilty sina Napoles matapos mapatunayang “valid government releases” ang inilabas na PDAF ni Rodolfo Plaza para sa dalawang NGOs.
Wala rin anilang anumang ebidensyang magpapatunay na nakatanggap sila ng kickback o pera mula sa Special Allotment Release Order.
Ibinasura din ng Sandiganbayan ang dalawang kaso ng Direct Bribery laban kay Plaza dahil sa kawalan ng ebidensya.
More Stories
QC NAGDEKLARA NG DENGUE OUTBREAK
2 BABAE NAGSANGLA NG PEKENG TITULO NG LUPA TIMBOG
PAMBATO NG ‘ALYANSA’ NAPAKATINGKAD NG TRACK RECORD – PBBM