![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-54.png)
NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si public servant/ sports man Sec. Benhur Abalos sa misyon ni AGM Marlon Bernardino sa kanyang pagsabak sa prestihiyosong torneo ng chess sa Australia.
Ang isa sa leading senatoriable ng Republika ng Pilipinas na si Abalos ay isang taal na chess enthusiast at palagi niyang sinusuportahan ang mga laban ni Bernardino noon pa man na nagreresulta naman ng karangàlang pambansa sa bawat lahukan niyang chess toürnament sa ibayong dagat
“Ang mga manlalarong tulac niya (Bernardino) ay marapat lang na tinutulungan dahil nakapag-aambag naman siya ng karangalan sa bansa” ,sambit ng naging alkalde ng Mandaluyong City , chairman ng MMDA at kalihim ng DILG ng Marcos administration.
Ang 47-anyos na si Bernardino na isa ring mamamahayag ay nakatakdang sumabak sa Melbourne International Open 2025 sa Abril 7-14, 2025 sa Melbourne, Australia at sa Sydney International Open 2025 na gaganapin sa Abril 23-27 sa Novotel West, Rooty Hill sa Sydney, Australia. DANNY SIMON
More Stories
Kampanya ng mga kandidato magsisimula na
2 PINAY NAPIGILAN NG BI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG DOKUMENTO
HVI tulak, huli sa P353K shabu sa Valenzuela buy bust