ANG una at nagi-isang babaeng National Master (NM) ng bansa na si Nika Juris Nicolas ay nagtapos sa six-way tie para sa ikalima hanggang ikasampung puwesto sa pagtatapos ng Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival sa Continental hotel sa Marianske Lazne, Czech Republic nitong Sabado, Enero 25, 2025.
Ang taga-Pasig City na si NM Nika (elo 1657) ay may 6.0 puntos kaparehas ng puntos na naitala nina FM Ondrej Matras ng Czech Republic (elo 2092), Dustin Kuipers ng Germany (elo 2086), Tomasz Bajer ng Poland (elo 1823), Karel Bourban ng Switzerland (elo 1797), at Milan Chmielek ng Poland (elo 1803).
Gayunpaman, matapos mailapat ang mga tie break points, napunta si NM Nika sa ika-10 sa pangkalahatan. Si NM Nika ay may apat na panalo, apat na tabla at isang talo. Nakakuha din siya ng 175 elo rating points sa tournament na ito.
Nakuha ni Vasiko Shapovalov ng Georgia (elo 2078) ang titulo na may 7.5 puntos sa siyam na laro.
Sina Jakob Engelmann ng Germany (elo 2163) at Patrik Pycha ng Czech Republic (elo 2050) ang pumangalawa hanggang ikatlong puwesto na may tig-7.0 puntos habang si Ulf Gohla ng Germany (elo 2088) ay nasa ikaapat na puwesto na may 6.5 puntos.
“Another Czechmate! Baby Nika was awarded Best Woman Player , Best Player in the 1600-1699 Rating Category and 10th Place Overall (tied for 5th-10th) in the Marienbad Open 2025 (all rating) held on January 18 – 25, 2025 at Marianske Lazne, Czech Republic! She had a total of 4 wins, 4 draws and 1 loss. She also gained 175 elo rating points in this tournament. This marks the end of our 32-day sojourn in Europe. In just 24 days, Baby Nika played 34 standard games spread out in Poland and the Czech Republic. She had 21 wins, 8 draws and 5 losses. She also gained a total of 522 rating points! Thus, her live rating is now 2097,” sabi ng ina ni NM Nika na si lawyer Nikki De Vega sa kanyang facebook account. Si Atty. De Vega ang legal council ng National Chess Federation of the Philippines.
Kinapos si NM Nika ng 3 elo rating points para makopo ang Woman FIDE Master title. Kinakailangan nya mapataas nya ang kanyang live elo rating 2097 sa 2100 para makopo ang WFM title.
Kabilang sa sumusuporta sa kampanya sa chess ni NM Nika ay sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) headed by its chairman/president Prospero Pichay Jr., Pasig City Mayor Vico Sotto, Victory Christian International School in Pasig City, mga kanyang coaches na sina Grandmaster Jayson Gonzales, Woman Grandmaster Janelle Frayna, Franco Camillo, Lourecel Ecot, Raul Damuy, at MJ Ladrona.
Ang 12 taong gulang na si NM Nika, isang Grade 7 student sa Victory Christian International School sa Pasig City ay nanalo rin sa 35th International Chess Festival noong Disyembre 29, 2024 sa Galaxy Hotel sa Krakow, Poland. Nanguna si NM Nika sa Open Under 1800 Category na may undefeated record na 6 na panalo at 1 draw para itaas ang kanyang kabuuang 6.5 puntos sa pitong outings. Nagtapos din siya sa pangalawang pwesto sa Prague Open 2025 (under 2000 rating) 23rd International Chess Festival. Si NM Nika ay may anim na panalo, dalawang tabla at isang talo ang ginanap noong Enero 10-17, 2025. (DANNY SIMON)
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!