NATAGPUANG walang ulo ang bangkay ng 60-anyos na lalaki at tinanggal din ng laman-loob.
Ayon sa pulisya, ang suspek sa pamamaslang ay ang 41-anyos na anak ng biktima.
Natagpuan ang puso ng biktima sa isang bakawan, habang ang ilang laman-loob nito ay iniligay sa isang kawali.
‘Yung ulo, hindi pa natin na-recover kasi according sa nakakita, tinapon niya doon sa may river area siya dito sa Madaum. At saka ginamitan pa niya ng pala at pinaglalagyan ng putik ‘yung katawan,” ayon kay Tagum City Police Station chief P/Lt.Col. Wildemar Tiu.
Natagpuan ng mga awtoridad ang ilang gamit na pinaniniwalaang ginamit sa krimen, kabilang ang isang scythe, isang bolo, isang martilyo, isang pala at mga sanga ng puno.
Nahuli ang suspek sa lugar ng insidente. Ayon sa paunang ulat, pinagalitan ng ama ang kanyang anak dahil sa hindi pag-uwi sa kanilang bahay. Nabatid na sinundo ng biktima ang kanyang anak na nasa kapitbahay bago nangyari ang karumal-dumal na krimen.
“Meron siyang mental disorder. So ang unang mga hinala nila, lulong sa droga. Pero na-ano din natin na ‘yung family, merong ganon na sakit,” dagdag ni Tiu.
Nakatakdang harapin ng suspek ang kasong parricide.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
HVI tulak, tiklo sa P340K shabu sa Valenzuela