LAGLAG sa selda ang isang most wanted person na leader ng “Melor Robbery Gang” matapos masakote ng mga tauhan ng Valenzuela police sa ikinasang manhunt operation sa Lipa, Batangas.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 32-anyos na akusado na wanted sa kasong robbery sa lungsod.
Agad inatasan ni Col. Cayaban ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team saka nagsagawa ang mga ito ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:15 ng madaling araw sa harap ng Results CX, Fiesta Mall Compound, Brgy. Maraouy, Lipa City Batangas.
Ang akusado ay binitbit ng operatiba nvmg SIS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nancy Rivas Palmones ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong June 14, 2013, para sa kasong Robbery.
Samantala, nasukol naman ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa Pabaya St., Brgy. Mapulang Lupa ala-1:45 ng madaling araw ang most wanted person ng Muntinlupa City na si alyas “Maky”, 27, residente ng Valenzuela.
Dinakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Liezel Aquiatan ng Regional Trial Court Branch 205, Muntinlupa City na may petsang November 11, 2024, para sa kasong Murder. (JUVY LUCERO)
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund
Philippine University Archery League C’ship tutudla sa PUP Ground sa Nob. 23-24