October 17, 2024

DELA ROSA: SUSUNTUKIN KO SIYA SA MUKHA!


ITINANGGI ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang alegasyon ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ayon sa senador, boluntaryong ibinigay ni Espinosa ang impormasyon kay De Lima at iba pang detalye noong 2016.

“Sabihan mo siya, ‘pag magkita ko siya, suntukin ko siya sa mukha, ‘tang ina niya. Gago siya, kung magkapag-iistorya siya. Ngayon makapagsalita siya, kala mo sino siyang malinis. Gago siya, bakit siya maggagawa-gawa ng istorya?” “Samantalang noon, ang bait-bait niya, no’ng nasa kustodiya namin, ang bait-bait niya, ta’s ngayon, kung ano-ano nasasabi. Demonyo talaga ‘yong gago na ‘yan. Talagang drug lord talaga na gago. Sira’ng ulo siya,” dagdag niya.

Sa post sa X, sinabi ni dating Senator Leila de Lima na kailangan ni Dela Rosa na harapin ang pagtutuos sa katotohanan sa mga kasinungalingang ginawa ng gobyernong Duterte laban sa kanya.

“Matagal na nating alam na napilitan lamang si Kerwin Espinosa na idawit ako sa ilegal na droga dahil sa kagustuhan ni Duterte. Sa wakas, napangalanan na ang isa sa mga mastermind sa paggawa ng ebidensya na walang iba kung hindi si dating PNP chief Bato dela Rosa,” ayon kay De Lima.