Nabiktima ng robbery si Miss Universe 2018 Catrional Gray sa London.
Sa IG story ng beauty queen, ibinahagi niya ang larawan ng kanilang sinakyan kung saan basag ang glass window at may caption na ninakawan sila nang mag-stop para mananghalian habang papunta sa airport.
Saad pa ni Catriona na natangay ang kanilang mga pasaporte at mahahalagang gamit at sinabi din na siya ay traumatized kasunod nga ng carjacking incident.
Base sa naunang IG posts ni Catriona, nasa roadtrip siya kasama ang kaniyang mga magulang sa United Kingdom mula sa London patungo sa Scotland, ang hometown ng kaniyang ama saka bumalik ng London kung saan nga nangyari ang insidente.
More Stories
Armscor unveils RIA Defense brand aimed at military and law enforcement market
CONG. TIANGCO: PAGSISIKAP NG GOV’T KONTRA ONLINE CHILD ABUSE, HIGITAN
3 lalaki na nasita sa ordinansa, kulong sa P125K droga