December 22, 2024

TULAY NA MAGKOKONEKTA SA SANTIAGO ISLAND AT BOLINAO SISIMULAN NGAYONG TAON – DPWH

Inanunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Pangasinan ang pagpapatayo ng tuloy na magkokonekta sa Santiago Island patugo sa mainland ng Bolinao upang mapalakas ang ekonomiya nito at ang mobility ng mga residente rito.

Ayon kay DPWH-Regional 1 Director Engineer Ronnel Tan na sisimulan ang preliminary works ng tulay ngayong taon at target na matapos sa 2028. “The total project cost is P1.95 billion covering the construction of the 600 linear meter bridge and its approaches and access roads,” aniya.

Idinetalye ni Tan na itatayo ang tuloy sa Barangay Luciente 2nd.