PATAY ang 7 katao habang 20 ang sugatan makaraan araruhin ng isang motorsports race car na lumihis sa track habang nasa kainitan ng kompetisyon sa Sri Lanka noong Linggo.
Kabilang sa nasawi ang apat na race officials at mga manonood kasama ang walong taong gulang na batang babae.
Sugatan naman ang 20 katao na dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Ang nasabing karera ay inorganisa ng Sri Lankan military na may academy sa Diyatalawa. Nasa mahigit 100,000 katao ang nanood kung saan nagsasagawa na ang mga otoirdad ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS