IPATUTUPAD sa lahat ng pampublikong paaralan ang asynchronous classes o distance learning mula April 15 hanggang 16.
“In order to allow learners to complete pending assignments, projects, and other requirements as the end of school year is fast-approaching, all public schools nationwide shall implement asynchronous/distance learning on April 15-16, 2024,” ayon sa abiso ng Department of Education (DepEd) na ipinost sa Facebook.
“Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their stations,” dagdag ng ahhensiya,
Ngunit ayon sa DepEd, ang mga gawain umanong inorganisa ng Regional at Schools Division Offices gaya ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs na isasagawa sa mga nabanggit na petsa ay kinakailangang ipagpatuloy.
Gayunpaman, bagama’t hindi saklaw ng ibinabang abiso ang mga pampribadong paaralan, binibigyan sila ng ahensya ng option na gawin din ang nabanggit na moda ng klase.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY