October 18, 2024

ANNE CURTIS, WALANG MASAMA KUNG ISUOT KONG MULI ANG DAMIT NA NAGAMIT KO NA SA SHOW

ANO ba iyan? Pati damit na nagamit na at isinuot muli ni Anne Curtis, ay ibabash bigla siya. Okay lang naman iyon, dahil lahat naman ng isinusuot niya ay bagay sa kanya.

“Kay Anne Curtis, walang big deal doon. Kasi hindi naman iyon maarte, basta sa damit as long as keri niya isusuot niyang talaga.

“Isa pa kung mag-ulit man siya ng nagamit na niyang damit sa ‘It’s Showtime,’ hindi naman niya ikinahihiya iyon. Basta ang importante malinis at may dating isusuot niya itong muli,” pagtatanggol pa ng aking source.