April 24, 2024

NORA AUNOR, ‘DI NA KAILANGAN ANG ISANG BOYET DE LEON

KAHIT sa bihing blockbuster ang mga naging pelikula nina Nora Aunor at Boyet de Leon, ang pakiramdam ng kanilang mga fans ay hindi na nila kailangan ang isa’t isa. Dahil dama nila na hindi feel ni Boyet na makasama si Nora, mas feel daw niya si Vilma Santos.

“Feeling kasi in pa rin silang dalawa ni Vilma, kaya ang ending flop ang naging resulta ng latest movie nila ng pinagyayabang niyang matatag na kapartner.

“Dumating pa iyong punto na mukhang ayaw na niyang makasama sa isang project si Guy, dama iyon ng mga Noranians. Kaya kung hindi niya kailangan ang isang Nora Aunor, hindi rin kailangan ng isang Norapa ang isang boyet de Leon,” mataray na pahayag ng aking source.