April 24, 2024

CRISTY FERMIN, IDEDEMANDA NG 2 POLITIKONG DINAWIT N’YA SA SUGAR DADDIES ISYU

NANG mapanood ko sa YouTube si Cristy Fermin, parang galit siya kay Dominic Roque at sapilitang sinasabi na “alam mo ito Dominic,”  iyong 2 politiko ang sinasabi niya pero hindi binanggit ang pangalan.

“Hugas-kamay na siya ngayon dahil anytime ay maghahain na ng kaso sina Mayor Bullet Jalosjos at Congressman Bong Suntay. Ang sinisisi niya ngayon ay ang mga vloggers, nakisawsaw daw ang mga iyon at pinalaki ang isyu.

“Pinagpilitan niya na hindi daw siya nagbigay ng clues, initials at sinabing pangalan ng 2 politiko. Pero nagbangit siya ng gas station at condo unit, hindi niya binanggit name pero binanggit naman niya ang term na ‘may ari’ ng condo at gas station ay iyong 2 politiko.

“Sabit pa rin siya dahil, siya mismo ang pasimuno ng intrigang pina-viral niya sa social media,” mataray na pahayag ng aking source.