September 19, 2024

VILMA, KUNG LAGLAG SA BEST ACTRESS AWARD SA MIFF SAYANG ANG PABOR NA GINAWA NG MMFF 2023

AKO mismo sinabi ko na sa aking mga tagabasa ng aking panulat na 1000% na si Vilma Santos pa rin ang panalong Best Actress, dahil hindi naman talaga International ang Manila International Film Festival. Nilagyan n’yo lang ng International, dahil sa America n’yo lang ginawa. At ang drama ninyong mga bago ang jurors ay kayo pa rin ang may pakana niyan MMFF, kaya anong bago?

Kasi kapag sinabi ninyong International, iba’t-ibang bansa ang mga kalahok at maglalabanlaban. Tama na iyang pabor na inyong ginagawa, tanggap naman namin na nagtagumpay kayo.


Sad to say na hindi tagumpay ang MIFF ninyo, dahil hindi nga umabot sa bilyon ang kita niyan sa box-office. Kung baga kayo-kayo na lang ang gumawa niyan para lang masabing wala kayong pinapaburan, sana hindi totoo ang kutob ko?