September 19, 2024

Revilla lalong dumarami… BONG AT LANI, MASAYANG LOLO’T LOLA

MASAYA kami sa mag-asawang Bong at Lani Mercado-Revilla, dahil mayron na naman silang bagong apo mula sa kanilang anak na lalaking si Jolo Revilla.

Napaka healthy ng anak nina Angelica Alita at Jolo Revilla, bali ito ang unak anak ng mag-asawa na wala pang pangalan.

“Para sa amin bilang Lola [Lani] ng aming apo, masaya kami dahil bigay ito sa amin ng Maykapal. Another blessings na naman ito mula sa Dios, kaya laking pasasalamat namin dahil malusog na iniluhal ang aming apo.

“Papalakihin namin siya na may takot sa Dios at isang mabuting tao, ang aming Anghel na ito’y pupuspusin namin ng pagmamahal bilang Lola niya.

“Siyempre sa gabay at pagmamahal ng kanyang magulang, alam kong lalaki siyang maka-Dios at may pagmamahal sa kanyang pamilya at may kapwa tao,” masayang saad ni Ms. Lani Mercado.

“Bilib ako sa anak kong si Jolo Revilla, katulad ko rin siyang kung bumuo ng sarili niyang pamilya ay priority niya ito. Ngayong may apo na naman kami sa kanya, masayang-masaya kami ni Lani dahil isa na naman itong blessings sa aming pamilya Revilla,” salaysay pa ni Bong Revilla.