September 19, 2024

ANGELU DE LEON, DEDMA LANG SA MGA BIRA NI CLAUDINE BARRETTO

AYAW nang patulan pa ni Angelu de Leon, si Claudine Barretto sa mga bira nito sa kanya. Pero may punto naman pala si Angelu, kung bakit nakisawsaw siya sa isyu ng mga magkakapatid na Barretto?

Kaya na imbiyerna si Claudine kay Angelu, dahil nangingialam ito sa away nila na kung tutuusin daw ay hindi naman siya kasali.

“Nagsabi lang naman ho ng opinyon niya si Angelu de Leon, dahil sa social media niya ito nilabas kaya nag comment siya doon.

“Iyong sinasabi niyang banat, reaction niya iyon at kung iyon ang dating sa kanya ay banat iyon ang sa loobin niya kaya nirerespeto ni Angelu ang actress.

“Wala naman hong problema kung ayaw niyang makasama si Angelu, desisyon niya iyon. Hindi na lang ho pinatulan ni Angelu, mga chika ni Claudine dahil hindi naman kapatol-patol,” mataray na bulalas ng aking source.